"Suliraning kailangan bigyan pansin"
Ano nga ba ang mga suliranin ng mga kabataan? Bakit nauuwi ang mga ito sa pagrerebelde? Ang sabi nga ng ating pambansang bayani na si Dr. José Protacio Rizal Mercado y' Alonso Realonda na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit totoo nga bang sila/tayo ang pag-asa nito?
Sa aking opinyon tayo pa din ang pag-asa ng bayan kung tayo ay pagtutuunan ng pansin ngunit kahit wala tayong nakukuhang atensyon sa ating magulang kung alam naman nating ito ay makakatulong o makakasama sa atin walang maliligaw ng landas.
Siguro nga ang iba sa atin ay hindi na naniniwala na tayo ang pag-asa ng bayan sapagkat marami ng kabataan ngayon ang nag-rerebelde, nag-drodroga, napapariwara at kung ano-ano pa. Isa sa mga kadahilanan ng mga kabataan kung bakit sila nag-rerebelde o nawawalan ng landas ay dahil sa kapabayaan ng magulang sakanila, hindi na nila ito nabibigyan pansin dahil sa kanilang pagtratrabaho.
Ang ating mga magulang ay talaga nga namang nakakainis sa tuwing tayo ay pinagkukumpara sakanilang henerasyon sa ating henerasyon. Kadalasan sa atin ay umaalis o nagdadabog sa tuwing ito ay nangyayari pero para saakin kailangan itong pakinggan upang mabuksan ang ating isipan na hindi dapat ito ang maging imahe ng mga kabataan sa ngayon.
Mga kabataang walang ibang ginawa kundi ang magpasakit sa ulo ng kanilang mga magulang, kahit libro ay hindi magawang buksan dahil sa mga walang sawa at sunod-sunod na gimikan.

Kaya mga magulang, habang maaga pa ito ay bigyan agad ng aksyon at atensyon upang ito ay hindi tuluyan pang lumala at makapinsala ng kinabukasan.
Juliana Sandoy Mogasa
VIII- Dagohoy
VIII- Dagohoy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento